Identidad ng Departamento
Ang Departamento ng Filpino Kolehiyo ng Malalayang Sining, Pamantasang De La Salle ang isa sa mga pangunahing institusyon sa bansa na nagsusulong ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino at pagpapaunlad ng mga pananaliksik at pag-aaral sa Araling Pilipinas.
Ang Departamento ng Filipino ay dalawng beses na ginawaran ng Sentro ng Kahusayan sa Filipino ng Commission of Higher Education (CHED) at ilang beses mula sa Pamantasan para sa mga gawaing pananaliksik at pangkomunidad.
Misyon ng Departamento ng Filipino na makabuo ng isang komunidad na magsilbing buhay na simbolo ng identidad ng pamantasan at instrumento sa pagpapayabong at pagpapayaman ng wikang Filipino: magtaguyod ng mga patakarang pangwika ng pamantasan, magsabuhay ng kamalayang Filipino, magsulong ng mga progrmang mahalaga sa pagpapayaman ng kultura at komunikasyong Filipino tulad ng Araling Filipino at Aralin sa Pagsasalin sa pamamagitan ng pagturo, paglektyur sa loob at labas ng bansa, pagriserts, pagsalin, pagkatha at pagsulat sa midya tungo sa intelektwalisasyon ng wika; at magpatuloy sa larangan ng paggamit ng wika.
Sa ikatutupad ng misyon, pahahalahgahan ang nasyunalismo, lidersyip, excellence, kamalayan at pananagutang panlipunan, ispiritwalidad, kritikal na pag-isip, at iba pang pagpapahalagang Lasalyano.